BAGUIO CITY – Temporaryong pinahihintulutan ang pagbukas ng ilang tindahan sa Baguio City kasabay ng enhanced community quarantine.

Inilabas ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang Executive Order No. 69, series of 2020 na nagpapahintulot sa pagbukas ng mga hardware stores, office supply stores, electrical supply stores at mga auto supply stores.

Magsisimula ang temporaryong pagbukas ng mga nasabing stores mula bukas, araw ng Biernes, Marso 27 hanggang sa Linggo, Marso 29 mula alas nuebe ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon.

Kaugnay nito ay ipinag-utos ng alkalde ang mahigpit na pagsasagawa ng mga naturang stores sa proper hygiene, sanitation at social distancing.

Binanggit pa niyang tanging ang mga essential at skeletal employees ng mga naturang stores ang kailangang pumasok sa trabaho.