elton john
Sir Elton John

Nasa halos $8 million o mahigit P40-milyon ang nalikom na pondo sa weekend benefit broadcast ng mga sikat na singers US.

Ang Sunday night show na pinangunahan ni Elton John na nagsilbing host mula sa kaniyang sariling bahay ay isinagawa para makalikom ng pondo na pantulong sa mga frontliners na lumalaban sa pagsugpo ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Kasamang nagtanghal ay sina Lady Gaga, Tim McGraw, Alicia Keys, Lizzo at Backstreet Boys.

Sa kani-kanilang mga tahanan ay kinunan nila ang pagtatanghal gamit ang kanilang mga cellphone at computer.

Bukod sa perang nalikom ay mayroong $500,000 na mga household products na ibinigay na donasyon ng Procter & Gamble.