-- Advertisements --
Pinalala pa ng mga naglipanang online lending apps ang online gambling sa bansa, ayon kay Senador Sherwin Gatchalian.
Ayon sa senador, marami ng indibidiwal ang nalululong sa talamak na online gambling pinagsamantalahan pa aniya ng online lending apps.
Giit pa nito, ang mabigat at kadalasang mapang-abusong mga kondisyon ng pautang ng ilang online lending apps ang lalo pang nagpapahirap sa mga Pilipinong nalululong sa online gambling, na nagbabaon sa kanila sa walang katapusang pangungutang para magsugal.
Sinabi rin ng senador na ang hindi makatarungan at mapanirang pamamaraan ng paniningil ng mga ito ay lalo pang nagpapabigat sa emosyonal at mental na pasanin ng mga Pilipinong nahihirapan na sa kumunoy ng online gambling.