-- Advertisements --
Nais ni Senador Sherwin Gatchalian na imbestigahan ang estado ng digitalization program ng Bureau of Internal Revenue habang papalapit ang Abril 15 deadline ng paghahain ng income tax returns (ITRs).
Sa kanyang Senate Resolution No. 316, sinabi ni Gatchalian na mahalagang mapabilis ang digitalization upang maging mas madali at accessible ang pagbabayad ng buwis. Aniya, makatutulong ito sa pagpapahusay ng koleksyon ng gobyerno.
Binanggit din ng senador na 85 porsyento ng koleksyon ng BIR noong Pebrero ay dumaan sa electronic payments, patunay umano na handa na ang ahensya para sa full digital shift.
Nakapaloob sa Ease of Paying Taxes A
















