-- Advertisements --
Pinaplano na rin ng Commission on Elections (Comelec) na idaan sa online ang filing ng certificate of candidacy (CoC) sa darating na 2022 presidential elections.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, ito ay para maiwasan na rin ang pagkalat ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Paliwanag ni Jimenez, nakagawian na raw kasi ng mga kandidatong maghahain ng kanilang CoC na magdalan ng kanilang mga supporters sa Comelec.
Kaya naman, patuloy daw ang kanilang pag-aaral sa online methods para maiwasan ang pagsisiksikan sa harapan ng opisina ng Comelec sa lungsod ng Maynila.