-- Advertisements --

Iniulat ng Department of Health (DOH) na hindi pa natukoy ng Pilipinas ang bagong Omicron subvariant XBB.

Sinabi ng ahensiya na ang XBB variant ay recombinant ng BJ.1 (BA.2.10.1 sublineage) at BM.1.1.1 (BA.2.75 sublineage).

Sa mga preliminary studies, sinabi ng Kagawaran ng Kalusugan na ang “sublineage ay nagpapakita ng mas mataas na kakayahan sa pag-iwas sa immune kaysa sa BA.5.”

As of October 13, wala pang na-detect ang ahensiya ng nasabing variant sa Pilipinas.

Ang DOH, katuwang ang ating lokal na sequencing facility, ay patuloy na nagsasagawa ng surveillance upang masubaybayan ang pag-import ng variant na ito at iba pang mga umuusbong na variant ng SARS-CoV-2.

Batay sa website ng World Health Organization (WHO), ang mga subvariant ng Omicron na mino-monitor noong Oktubre 12, 2022 ay BA.5, BA.2.75, BJ.1, BA.4.6, XBB, at BA.2.3.20.

Samantala, naunang sinabi ng Ministry of Health (MOH) ng Singapore na ang city-state ay nakakaranas ng “pagtaas ng mga lokal na kaso driven ng XBB, kabilang ang post-weekend spike ngayong Martes.”

Ang Ministry of Health (MOH), gayunpaman, ay pinabulaanan ang mga rumor na nagsasabing ang Singapore ay “nagkakaroon ng mabilis at malaking pagtaas ng mga kaso na may malubhang sakit at pagkamatay dahil sa kumakalat na strain ng XBB.”