-- Advertisements --

Pormal nang naihain ng Office of the Ombudsman ang kauna-unahang kaso sa Sandiganbayan kaugnay sa maanomalyang mga proyekto ng flood control.

Matapos ang dalawang buwan imbestigasyon, pagkalap ng mga ebidensya, at mga testimonya, inanunsyo ngayong araw ng Ombudsman ang inisyu nitong resolusyon para makapagsampa ng kasong kriminal laban sa ilang mga sangkot sa kontrobersiya.

Ayon kay Assistant Ombudsman Mico F. Clavano, sinampahan nila ng kasong kriminal sina former Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways ng Region IV-B, at pati board of directors ng Sunwest Corporation.

Partikular na isinampa sa Sandiganabayan ang mga kasong Malversation of Public Funds through Falsification of Public Documents, paglabag sa Section 3e ng Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Habang sinampahan din ng hiwalay at karagdagang kaso si Zaldy Co sa paglabag nito ng Section 3(b) ng RA 3019 sa pagtanggap ng ‘unwarranted financial’ o ‘pecuniary benefits’.

Kaugnay ang kaso sa flood control project na konstruksyon ng Road Dike sa Mag-Asawang Tubig River sa Naujan, Oriental Mindoro.

Alinsunod rito’y ibinahagi pa ni Assistant Ombudsman Mico Clavano ang rekomendasyon ng Panel of Ombudsman prosecutors na di’ pagbigyan makapagpyansa si former Ako Bicol Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.