-- Advertisements --

Inatasan ng Office of the Ombudsman ang binuo nitong special task force upang imbestigahan ang mga flood control projects, na inuuna ang mga lugar na sinalanta ng bagyong Tino.

Ayon sa Ombudsman, ang mga proyektong ito ay dinisenyo upang mapigilan ang matinding epekto ng bagyo, ngunit kinakailangang siyasatin kung nagampanan ang layunin nito.

Kasabay nito, nagpaabot ang Ombudsman ng pakikiramay sa mga pamilya ng nasawing indibidwal habang tiniyak na makakamit ng mga biktima ang hustisya.

Batay sa huling datos ng Office of Civil Defense (OCD), umakyat na sa 188 ang nasawi sa pananalasa ng bagyong Tino sa bansa.