President Beji Caid Essebsi
President Beji Caid Essebsi

Pumanaw na si Tunisian President Beji Caid Essebsi sa edad 92.

Ayon sa mga kampo ng pangulo, nalagutan na ng hininga ito sa Tunis Military Hospital dahil sa sakit na dinaranas nito.

Noong Hulyo 1 ay lumabas na ito sa pagamutan matapos na magpagamot sa kaniyang sakit.

Hindi naman binanggit ng kampo ng pangulo ang sakit nito.

Itinuturing si Essebsi na siyang pinakamatandang pangulo sa buong mundo.
Unang nahalal ito noong 2014.

Pinalitan niya si President Zine el Abedine Ben Ali na pinatalsik noong 2011 matapos ang 23 panunungkulan.

Inanunsiyo nito noong Abril na wala na itong planong muling tumakbo sa posisyon at ipapaubaya na lamang sa mas batang kandidato.