-- Advertisements --

Kinumpiska ng Iran ang isang oil tanker ng Iraqi sa Gulf of Oman.

Patungo sa Turkey ang Marshall Islands-flagged crude oil tanker na St. Nikolas ng biglang sakyan ng apat na armadong kalalakihan na nakasuot pa ng military uniform.

Ang nasabing barko ay may lulan na 19 katao na kinabibilangan ng 18 Pinoy at isang Greek national.

Itinuturing gumanti ang Iran sa ginawang pagkumpiska ng US sanctions enforcement operation ng Suez Rajan na mayroong kargang 980,000 bareles ng krudo.