Reading Time: 1 minute

BAGUIO CITY – Todong abang din ang mga Filipino sa Canada lalo na at umabot sa finals sa unang pagkakataon ang Raptors.

Iniulat sa Bombo Radyo Baguio ni Gerald De Vera Estioco, na tulad sa ibang mga Pinoy, nakatuon din sila at kanyang pamila sa mga laro ng home team.

Kwento pa niya, kasabay sa panonood ay ang paghigop din ng mainit na kape para ma-enjoy nila ang kanilang panonood sa matinding rivalry ng Warriors at Raptors.

Kinumpirma pa ni Estioco na marami ring mga fans ng Golden State sa Canada ang nagbigay ng kanilang suporta sa Raptors.

Mistulang fiesta sa Toronto at kabi-kabila rin ang selebrasyon lalo na nang magkampeon sa Eastern Conference ang Raptors.