Kasabay ng pagsisimula ng EDSA Rebuild, nagpulong na rin ang Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Transportation (DOTr) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kung paano maiibsan ang hirap ng mga komyuter.
Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon, ang toll fee sa skyway stage 3 o yung segment na magiging alternatibong ruta para sa EDSA ay magiging libre na hanggang matapos ang EDSA Rebuild.
Dagdag pa niya, magdadagdag din ng 100 units ng bus para sa EDSA Carousel at mga tren para sa MRT-3. Ito ay para mas maraming komyuter ang ma-accomodate.
Sinabi rin ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes na magkakaroon ng alternatibong ruta para ma-manage ang traffic.
Ipapatupad din aniya ang Odd-Even Coding Scheme kung saan ang mga may sasakyan na nagtatapos ang plate number sa 1,3,5,7,9 o odd numbers ay hindi maaaring dumaan sa EDSA ng Monday, Wednesday, at Friday.
Samantala, ang mga sasakyan na may plate numbers na nagtatapos sa 0,2,4,6,8 o even numbers ay hindi maaaring dumaan sa EDSA ng Tuesday, Thursday, at Saturday.
Kapag Sunday ay walang coding na susundin.
Dagdag pa ni Artes, magkakaroon ng window hours na lang ang mga provincial bus, mga trucks at mga malalaking sasakyan kapag sinimulan na ang EDSA Rebuild upang makabawas din sa traffic. Mula 5 ng umaga hanggang 10 ng gabi ay ipagbabawal na silang dumaan sa EDSA