ILOILO CITY – Nakaalerto 24/7 ang Office of the Civil Defense Region 6 dahil sa bagyo Tisoy.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Office of the Civil Defense 6 Director Jose Roberto Nuñez, sinabi nito na mas mabuti ng handa ang publiko upang walang sisihan na magaganap.

Ayon kay Nuñez, posible na mararamdaman ang bagyo sa Northern Iloilo at iba pang bahagi ng Western Visayas dahil mayroon itrong malawak na radius.

Sa ngayon, mayroon ng memorandum na ibinigay sa bawat local government unit na maghanda sa hagupit ng bagyo.

Napag-alaman na isasailalim bukas ang Western Visayas sa Blue Alert status dahil sa bagyo.