-- Advertisements --

Patuloy na naka-blue alert ang maraming regional office ng Office of Civil Defense (OCD) dahil sa inaasahang malalakas na pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa, ayon kay OCD spokesperson Junie Castillo nitong Lunes, Setyembre 1.

Batay kasi sa monitoring ng OCD, may posibilidad ng light to heavy rainfall sa ilang rehiyon bunsod ng habagat, severe thunderstorms, at isang Low Pressure Area (LPA).

Dahil dito, naka-standby pa rin ang mga rescue at clearing teams, habang naka-preposition na ang relief goods, hygiene kits, at emergency equipment ng OCD at Department of Socail Welfare and Development.

Pinayuhan naman ang mga residente sa mabababang lugar at flood-prone areas na manatiling alerto sa posibleng pagbaha.