-- Advertisements --
image 168

Sa kauna-unahang pagkakataon ay tinanghal bilang NBA Champion ang Denver Nuggets.

Ito ay matapos nilang pataubin ang Miami Heat sa loob ng limang Finals Game, pinakahuli dito ang Game no.5 kung saan labis na ibinabad sa laro ang dynamic dou ng Nuggets na sina Jamal Murray at Nikola Jokic.

Sa nasabing laro, kumamada ng 28 points 16 rebounds double double si Jokic habang nagpakita naman ng all-around play si Murray sa kanyang 14points, 8 rebounds, at 8 assists.

Wala namang nagawa ang Heat para pigilan ang mumentum ng Denver, lalo na at nalimitahan lamang sa 21 points, 5 assists si Jimmy Butler habang 20 points 12 rebounds naman kay Bam Adebayo.

Sinubukan pa ng Heat na ungusan ang Nuggets sa natitirang tatlong minuto ng laro ngunit nabalewala lamang ito dahil sa mga turn-over ng Miami. Nagtapos ang Game 5 sa score na 94-89.

Ang nakuhang kampeonato ng Denver ay ang kauna-unahang kampeonato ng koponan simula nang maitatag ito noong 1967.

Samantala, katulad nang inaasahan at prediksyon ng maraming mga NBA analysts, iginawad kay 2-time NBA MVP Nikola Jokic ang Finals MVP award.

Sa simula pa lamang ng kasi ng 2023 Finals, nagpakitang gilas na si Jokic sa pamamagitan ng mga record-breaking performance, katulad ng dalawang triple-double at tatlong double-double.

Batay sa kasaysayan ng NBA, si Jokic din ang kauna-unahang player na nadraft bilang 41st overall pick na mag-uuwi ng Finals MVP.

Maalalang sa pagsisimula ng postseason, unang tinalo ng Nuggets ang Minnesota Timberwolves, sunod ang Phoenix Suns, at panghuli ay ang ginawang pag-sweep sa Los Angeles Lakers. Noong nakalipas na taon, bigong umusad sa Conference Finals ang Nuggets matapos silang talunin ng 2022 NBA Champion na Golden Sate Warriors sa unang round.

Inaasahan naman ang malakihang selebrasyon at parada ng mga Nuggets players sa buong Colorado, ang home state ng Denver, matapos ang nasabing panalo. (Bombo Genesis Racho)