-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Kinumpirma ni Dr. Edwin Galapon, Head Provincial Task Force on COVID 19 ang panibagong 19 na nagpositibo sa virus sa Nueva Vizcaya.

Dahil dito umakyat na sa 167 ang naitalang kompirmadong kaso ng virus sa Nueva Vizcaya at 6 ang naitalang patay.

Sa 19 na panibagong kaso ay 15 ang mula sa bayan ng Solano habang 4 ang mula sa Dupax Del Sur.

Ang ilan sa mga nagpositibo sa COVID-19 ay nakaranas ng pagkawala ng panlasa at pagkawala ng pang-amoy.

Karamihan din ng mga nagpositibo sa mga bayan ng Solano at Depax Del Sur ay magkakamag-anak na nahawa sa isa’t isa.

Sa ngayon ay naglulunsad na ng malawakang contact tracing ang pamahalaang Lokal ng Solano at Dupax Del Sur para matukoy kung sino sino pa ang mga maaaring naging direct contact at 1st degree contact ng mga nagpositibong pasyente.