-- Advertisements --

Target ng National Task Force (NTF) against COVID-19 na maabot ang target na makapagbakuna ng 5 million kada linggo para maubos ang lahat ng monthly vaccine supply ng bansa.

Ayon kay NTF spokesperson Restituto Padilla, hangad ng pamahalaan na mapanatili ang kanilang target number sa pagpapabakuna para makamit ang herd immunity, sa harap ng mga reklamo nang mabagal na vaccination process sa bansa.

Kaugnay nito ay inamin ni Padilla na kulang ang vaccinators sa ilang centers dahil sa shifting ng ilang health workers sa COVID-19 reponse ngayong nakakaranas ng surge ang bansa.

Dagdag pa nito, ilang vaccination centers sa Metro Manila ang bumagal sa pagpapabakuna dahil sa suspension ng walk-in inoculations.

Magugunita na sa survey ng Social Weather Stations na inilabas ngayong Agosot lang, nasa 50% ng mga Pilipinos ang dismayado sa mabagal na COVID-19 vaccination sa bansa.