Ilalatag ng gobyerno ang ilang measures para maisaayos ang COVID-19 response sa Cebu City kasunod ng pagtaas ng mga nagpo-positibo sa lungsod.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nakatakdang i-evaluate ng National Task Force (NTF) ang ground-level response ng local government units (LGUs) sa Cebu City simula sa Lunes, June 22 para magkaroon ng mas magaling na calibrated response.
Kasama sa mga measures ang posibleng pagtatag ng National Task Force Emergency Operation Center at pagtatalaga ng Visayas Deputy Implementer for Region VII at sa buong Visayas.
Magtatayo rin ang gobyerno ng out-patient services sa mga temporary treatment at monitoring facilities.
Inihayag ni Sec. Roque na pag-iisahin din ng Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) ang regional at national data sa hawak ng Department of Health (DOH), Department of the Interior and Local Government (DILG) at NTF.