KORONADAL CITY – Panibangong grupo ng mga New People’s Army (NPA) ang sumuko sa mga otoridad sa probinsiya ng South Cotabato.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay PCol. Jemuel Siason, provincial director ng South Cotabato, isinagawa ang seremonya sa pagsuko ng mga rebelde kasama ng kanilang sub-commander na sinaksihan ng pulisya at LGU officials.
Ayon kay Siason, isinusuko ng mga kasapi ng underground group na Militia ng Bayan ang kanilang mga armas at sinunog ang watawat ng komunistang grupo.
Sinabi naman ng mga surrenderees, pagod at takot dahil sa mga operasyon ng otoridad ang nag-udyok sa kanila na bumaba at magbagong buhay.
Maliban sa monetary assistance at mga relief goods mula sa pamahalaan, ang mga surrenderees ang makatatanggap din ng mga grants mula sa Enhanced Community Local Integration Program.