Naaresto ng PNP CIDG ang anim na umano’y miyembro ng CPP NPA NDF kabilang ang isang mataas na opisyal sa ikinasang operasyon sa Quezon City at Bulacan.
Kinilala ni PNP chief Police Lieutenant General Dionardo Carlos, ang nahuli na si Gil Peralta, isang regular member na CPP Central Committee na kabilang sa convenors ng CPP 2nd Congress.
Si Peralta ay nahaharap sa kasong Arson at Frustrated Murder
Naaresto siya sa kanyang inuupahang bahay sa Barangay Maribolo, Quezon City.
Nahuli rin ang limang personalidad ng CPP-NPA-NDF sa Barangay San Vicente, Santa Maria, Bulacan.
Nakuha sa kanilang posisyon ang ilang armas, hand grenades, improvised explosive devices (IEDs), blasting cap at iba pa.
Mahaharap ang mga nahuling komunistang NPA communist terrorist sa pagtung-patong na kasong kriminal.
Samantala, iimbestigahan ng PNP CIDG ang ilang Partylist Group sa miyembro ng NPA na nahuli sa Quezon City.
Kabilang kasi sa nakumpiska sa suspek ang tarpaulin ng Gabriela, may mga pampasabog, mga baril, samut saring bala at pera.
Ayon kay CIDG Director MGen. Albefrt Ignatius Ferro, ang mga suspek ay pawang Secretary at finance officer ng CPP-NPA sa Cagayan Valley.
Inihayag ni Ferro na kanilang aalamin ang kaugnayan ng mga ito sa nabanggit na Partylist Group.
Naniniwala ang CIDG na gagammitin sa halalan ang mga nakumpiska nilang armas at pampasabog.
Ang nahuling anim na miyembro ng CPP-NPA-NDF ay wanted sa mga kasong murder, attempted murder, arson at robbery.