Patay ang isang miyembro ng New Peoples Army (NPA) na nasa likod ng mga serye ng panununog ng mga nconstruction equipment matapos makaenkwentro ng mga tropa ng 1st Infantry Battalion sa may sitio Pinamintian, Barangay San Buenaventura, Luisiana, Laguna.

Ayon kay 202nd Commander Brigadier General Arnulfo Marcelo Burgos Jr.na ang enkwentro nitong Huwebes ay resulta sa operasyon na ikinasa din ng mga tropa ng 80th IBsa Infanta, Quezon.

Dagdag pa ni Burgos, dahil sa iniiwasan ng mga ito ang mga tropa ng 80Th IB kaya nagwithdraw ang mga rebelde sa boundary ng Quezon at Laguna kaya dito na sila nakasagupa ng 1st IB na nagsasagawa ng complementary operations.

Nakarekober ang mga tropa ng dalawang M16 magazines, dalawang Improvised Explosive Devices (IED), detonators with wires, 1 fixed tents, 1 tablet, 8cellular phones (two of them smart phones), one (1) Baofeng radio, 1 NPA terrorists flag, one (1) pack medicines, 3 bags and other training materials.

Wala namang naiulat na nasugatan sa hanay ng mga sundalo.

Ongoing sa ngayon ang got pursuit operatiin laban sa mga terorista.p