Tuluyan nang umatras si tennis superstar Novak Djokovic sa ATP Cincinnati Masters.
Kinumpirma ng tournament officials ang desisyon ng 38 anyos na tennis legend ngunit hindi na inilabas ang dahilan ng kaniyang tuluyang pag-atras.
Mula noong Wimbledon semi-finals, hindi na muli sumali sa turneyo ang batikang tennis star, ngunit nakatakda pa rin siyang maglaro sa US Open kung saan ang main draw ay magsisimula na sa Agosto-24.
Sa kabila ng kaniyang hindi paglalaro sa nakatakdang turneyo, hawak pa rin ni Djokovic ang impresibong 45-12 (win/loss) tournament record sa ATP Masters 1000.
Sa kaniyang huling pagsali sa naturang turneyo noong 2023, nagawa niyang talunin ang mas batang si Carlos Alcaraz
Ilan sa mga tennis star na nakatakdang maglaro sa naturang turneyo ay ang defending champion na si Jannik Sinner, Alcaraz, atbpa.
Magtatagal hanggang Agosto-8 ang ATP Cincinnati Masters ngayong taon.