-- Advertisements --

Hindi pa umano planong magretiro ni tennis superstar Novak Djokovic sa kabila ng kanyang edad na 36.

Sa isang panayam, ibinahagi ng Serbian champion na patuloy siyang humuhugot ng inspirasyon mula sa mga sports icons tulad nina Cristiano Ronaldo, LeBron James, at Tom Brady… mga atleta na matagumpay pa rin sa kabila ng kanilang edad.

Ayon kay Djokovic, ang dedikasyon at disiplina ng mga nabanggit na atleta ang nagtutulak sa kanya upang manatiling aktibo sa professional tennis.

Bagama’t batid niyang hindi siya makakapaglaro habang-buhay, nananatili pa rin ang kanyang motibasyon at pagmamahal sa laro.

Dagdag pa niya, mahalaga ang tamang pag-aalaga sa katawan at isipan upang tumagal sa larangan ng sports.

Sa kasalukuyan, patuloy siyang naghahanda para sa mga susunod na torneo at determinado pa ring makamit ang mas maraming tagumpay.