-- Advertisements --

Inanunsiyo ni six-time major champion Carlos Alcaraz ang pagkalas niya sa kaniyang coach na si Juan Carlos Ferrero.

Sinabi ng 22-anyos na Spanish player na napagdesisyon nila kapwa ng kaniyang coach ang maghiwalay bago ang 2026 season.

Mula pa noong kaniyang kabataan at nagsisimula sa tennis ay naging coach na nito ang kapwa Spanish.

Hindi naman na nagbigay pa ang dalawa ng kanilang dahilan sa paghihiwalay ng landas.

Sa social media account ni Alcaraz ay pinasalamatan nito ang coach na mula sa childhood dreams ay naisakatuparan na ito.