CENTRAL MINDANAO-Patay nang manlaban sa mga otoridad ang isang notoryus na tulak droga sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang suspek na si Rahib Aplal at residente ng Purok Laguinding, Sitio Bual, Barangay Banawag, Kabacan, Cotabato.

-- Advertisement --

Ayon kay Cotabato Police Provincial Director Colonel Henry Villar na ni-raid ng pinagsanib na pwersa ng Kabacan MPS at Regional Intelligence Division ng PRO-12 ang tahanan ng suspek ngunit nanlaban ito.

Napilitan na gumanti ng putok ang mga pulis at malubhang nasugatan si Aplal.

Dinala ng mga pulis ang suspek sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot ng buhay.

Ang suspek ay may warrant of arrest na inisyo ng RTC-12 sa bayan ng Kabacan dahil sa ibat-ibang kaso.

Narekober sa tahan ng suspek ang isang M16 Armalite rifle, isang 12 guage shotgun,isang kalibre.45 na pistola,mga bala,magazine,shabu , cellphone at mga drug paraphernalia.

Ang suspek ay high value target ng PRO- 12 at top most priority na pinaghahanap ng PNP Cotabato.