-- Advertisements --
Tinambakan ng North Port Batang Pier ang Phoenix Super LPG 115-79 sa patuloy na PBA Philippine Cup na ginanap sa Ynares Sports Arena Pasig.
Nagtala ng 20 points si Kevin Ferrer habang mayroong tig 15-points sina Jamie Malonzo at Sidney Onwubere.
Mula sa simula pa lamang ng laro ay hindi na pinaporma ng North Port ang Phoenix kung saan nakalamang sila ng 19 points sa pagtatapos ng first half.
Nasayang naman ang ginawang 26 points ni Vic Manuel at 15 points ni Matthew Wright ng Phoenix.