Nagpaputok ang North Korea ng ballistic missile patungo sa dagat sa silangang baybayin ng Korean Peninsula ayon yan sa militar ng South Korea.
Ayon sa pahayag, ang North Korean-fired ballistic missile ay lumapag sa labas ng exclusive economic zone ng Japan, na binanggit ang mga hindi pinangalanang opisyal ng gobyerno.
Ang paglulunsad ng missile ng North ay dumating ilang araw lamang matapos na subukan ng bansa ang isang high-thrust solid-fuel engine na sinabi ng mga eksperto na magbibigay-daan sa mas mabilis at mas mobile na paglulunsad ng mga ballistic missiles, habang naglalayong bumuo ng bagong strategic na armas at pabilisin ang mga nuclear at missile program nito.
Ang paglunsad na pinangangasiwaan ng pinunong si Kim Jong Un, ay isinagawa noong Huwebes sa Sohae Satellite Launching Ground ng North Korea na ginamit upang subukan ang mga teknolohiya ng missile, kabilang ang mga rocket engine at mga sasakyang pang-lulunsad sa kalawakan.
Dagdag dito, ang North Korea ay nagsagawa ng hindi pa nagagawang bilang ng mga missile test ngayong taon, kabilang ang isang intercontinental ballistic missile (ICBM) na may kakayahang maabot ang US mainland, sa kabila ng mga internasyonal na pagbabawal at parusa.
Noong Nobyembre, sinubukan ng North Korea ang isang intercontinental ballistic missile (ICBM) na sinabi ng mga opisyal ng Hapon na may sapat na saklaw upang maabot ang mainland ng Estados Unidos at lumapag lamang ng 200 kms (130 milya) mula sa Japan.