-- Advertisements --

Nanganganib na masibak sa pwesto ang pulis na siyang iniuugnay sa umano’y pangmo-molestiya sa isang kadete mula sa Philippine National Police Academy (PNPA).

Ito ay matapos na masampahan ng kasong kriminal at administratibo ang opisyal na siyang kasalukuyan nang nasa kustodiya ng mga otoridad simula pa nitong Hulyo 31.

Batay kasi sa naging reklamong hiniain ng kadete, nilasing umano siya ng naturang police official at tsaka minolestiya at ginawan ng kahalayan.

Ayon naman kay National Police Commission (NAPOLCOM) Commissioner Vice Chairperson and Executive Officer Atty. Rafael Vicente Calinisan, importanteng malaman ang mga pagkakasangkot ng mga pulis sa ganitong mga gawain dahil unang una aniya ay hindi dapat payagan na maging sangkot ang pulisya sa ganitong mga kaparaanan.

Ani Calinisan, nakasaad kasi sa kanilang sinumpang mandato na sila dapat ang nagpoprotekta at nagbibigay serbisyo sa publiko at hindi ang gumagawa ng ikakapahamak nito.

Nakikita namang malaking problema sa hanay ng mga pulis kung mapaglamang karamihan sa miyembro nito ay sangkot sa mga ganitong insdente.

Nanindigan din ang komisyon na wala dapat puwang sa akademya ang mga ganitong klase ng pulis na siyang nagdudulot ng panganib sa mga kadete ng PNPA.

Dapat aniya na matigil na ang ganitong mga insidente at agad na mapanagot sa batas ang mga pulis na may kaugnayan pa sa ganitong mga gawain bilang bahagi na rin ng paglilinis sa loob ng PNP.

Samantala, sa kasalukuyan ay nagpapatuloy na ang imbestigasyon ng PNPA habang nahaharap naman sa isa pang kasong administratibo ang pulis na siya namang isinampa ng NAPOLCOM kasabay ng pagsasagawa rin ng sarili nitong imbestigasyon hinggil sa kaso.