-- Advertisements --

Nagbabala ang North Korea sa US na may matatanggap silang regalo ngayong pasko.

Ayon sa mataas na opisyal ng Pyongyang, depende aniya ito sa magiging resulta ng pag-uusap ng mga matataas ng opisyal ng dalawang bansa.

Nauna na kasing inakusahan ni Ri Thae Song ang first vice minister ng North Korean Foreign Ministry na nagtatrabaho sa US affairs, na ginagamit lamang ng Estados Unidos ang pag-uusap para sa pansariling kapakanan nito.

Bahala na aniya ang US kung ano ang nais na matanggap nito.

Magugunitang noong 2017 ng unang nagsagawa ng test launch ng intercontinental ballistic missile (ICBM) ang North Korea bilang regalo sa US noong Fourth of July holiday.

Nagbunsod ang nasabing missile launce ng tensiyon ng ilang buwan sa dalawang bansa.

Inanunsiyo kamakailan ng Korean Central News Agency na ang Central Committee of the Workers’ Party ng Korea ay magpupulong sa katapusan ng Disyembre para pag-usapan ang ilang mga mahahalagang usapin.

Naging malamig naman dito si US President Donald Trump kung saan sinabi niya na naging maganda naman ang relasyon niya kay North Korea Lider Kim Jong Un.