Habang abala ang buong mundo sa pagharap sa malakinmg problema sa coronavirus disease, sinamantala naman ng North Korea ang araw na ito para magpakawala ng dalawang short-range ballistic missiles .

Ayon sa South Korea military tumama ang missile na nagmula sa North Pyongang province sa Sea of Japan o East Sea.

Kung maalala sa unang bahagi ng buwan na ito dalawang beses ring nagsagawa ng “long-range artillery” drills ang North Korea pero ayon sa Japan lumalabas na ang mga projectiles ay bahagi pala ng mga ballistic missiles.