-- Advertisements --

Muling kinondina ng South Korea ang pinakabagong pagpapalipad ng North Korea ng kanilang short-range ballistic missiles.

Naganap ang pinakahuling pagpapalipad ng missile sa Dongchang-ri site kung saan lumipad ito ng hanggang 800 kilometers bago tamaan ang target.

Ayon naman sa defence ministry ng Japan na may taas na 50 kilometers ang paglipad ng nasabing missiles.

Sinabi naman ng defense ministry ng South Korea na isang malinaw na paglabag sa United Nation Coucil resolution ang nasabing pagpapalipad.

Wala namang natamaan sa nasabing missile ng North Korea na tumama sa labas ng exclusive economic zone ng Japan.

Itinuturing dahilan ng pagpapalipad ng missile ng North Korea ay dahil sa pagkontra nila sa nagaganap na joint military drill ng South Korea at US.