-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng North Korea na naging matagumpay ang paglulunsad nila ng unang spy satellite sa orbit.
Dahil dito ay balak pa nila na magkaroon ng iba pang spy satellite kahit na ito ay nagtamo ng pagkondina mula sa US at kaalyadong bansa nito.
Una ng inabisuhan ng North Korea ang Japan na magpapalipad sila ng rocket sa bahagi ng east China Sea.
Nagbabala naman ang South Korea na dahil sa ginawa na ito ng North Korea ay maari nilang masuspendi ang bahagi ng 2018 inter-Korean agreement na dinesenyo para mapababa ang tensiyon sa Korean peninsula.