Nasawi ang dalawang Filipino seafarer matapos dahil sa pag-atake sa Sea of Hormuz.
Kinumpirma ng Bahri ang national shipping company ng Saudi Arabia na ang kanilang barko na SIDR ay tinamaan habang naglalayag ang mga ito sa Strait of Hormuz noong Agosto 31.
Hindi na nagbigay pa ng anumang dagdag na detalye ang kumpanya ukol sa insidente.
Subalit ayon sa maritim security agency na UKMTO na ang tanker ay tinamaan ng tatlong hindi malamang projectiles habang ito ay dumadaan sa Strait of Hormuz.
Noong nakaraang buwan ay tinamaan ang isa pang barko ng kumpanya na Wedyan supertanker habang ito ay naglalayag malapit sa karagatan ng Oman.
Habang dalawa rin sa kanilang barko na ang AMZAN at MASA ang inatake sa Red Sea ng Houthis rebel mula sa Yemen.
Magugunitang nagbanta ang Iran na kanilang aatikihin ang anumang barko na dadaan sa Strait of Hormuz.
















