CENTRAL MINDANAO- Nakapagtala muli ang bayan ng Kabacan Cotabato ng panibagong kaso ng Coronavirus Disease (Covid-19).
Ito na ang pang labing apat (14) na kaso sa bayan at pang anim sa aktibong kaso habang ang walo ay recovered na.
Batay sa datos ng Kabacan Municipal Epidemiology Surveillance Unit, may travel history ang 26 anyos na lalaki sa Davao City at dumating sa bayan nitong Oktubre 28, 2020.
Nakaranas ito ng sintomas Oktubre 29 at sumailalim sa anti-gen test na kung saan lumabas na positibo nga ito kung kaya, nitong Oktubre 30 ay nagpaswab test na ito.
Sa ngayon, nasa stable na ang kondisyon ang pasyente habang ito ay naka isolate sa Municipal Isolation Facility ng bayan.
Patuloy naman ang isinasagawang contact tracing ng lokal na pamahalaan at nagpapasalamat naman ang MESU sa kooperasyon ng pasyente.
Kaugnay nito, patuloy ang apela ni Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr. sa publiko na sundin ang mga ipinapairal na health protocols kontra Covid 19.
Sa buong North Cotabato ay nakapagtala ng 16 Covid 19 news cases.
Itoy kinabibilangan ng 2 katao sa bayan ng Pigcawayan,1 sa Matalam,1 sa Kabacan,4 sa Mlang,1 sa Midsayap,1 sa Carmen at 6 sa Kidapawan City
Sa ngayon ay umakyat na sa 239 ang kaso ng Covid 19 sa probinsya ng Cotabato,53 active cases at 165 recoveries.