CENTRAL Mindanao – Isinailalim na sa pre-emptive lockdown ang probinsya ng Cotabato dahil sa banta ng Coronavirus Disease o COVID-19.
Ito ay base sa inisyung Executive Order 2020-021 ni Cotabato Governor Nancy Catamco kasabay ng Presidential Proclamation Number 922 na naglalagay sa buong Pilipinas sa ilalim ng State of National Health Emergency.
Nasa pre-emptive lockdown ang lahat na mga entry at exit points sa probinsya ng Cotabato.
Pinayuhan ni Gov Catamco ang mga residente sa North Cotabato na manatili lamang sa kanilang tahanan at magpatupad ng precautionary measures laban sa virus.
Habang bawal nang pumasok ang hindi mga residente sa probinsya ng Cotabato.
Hindi na rin pwedeng gumala ang mga turista, dayuhan man o lokal sa mga tourist spots sa probinsya sa pinatutupad na pre-emptive lockdown.
Naka bantay naman sa lahat ng exit at mga entry points sa North Cotabato ang pinagsanib na pwersa ng militar at pulisya.
Ang hakbang ni Catamco ay para sa kapakanan umano ng lahat at pagtalima sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.