-- Advertisements --
Maaring aabot sa ilang araw bago magbalik sa normal ang operasyon ng ilang paliparan sa US.
Kasunod ito sa pagtatapos na ng makasaysayang government shutdown ng pirmahan ni US President Donald Trump ang government funding bills.
Ayon sa Federal Aviation Administration (FAA) na ang ilang mga air controllers ay pabalik pa sa kanilang trabaho hanggang hindi pa tuluyang matanggap ang sahod.
Umaasa naman ang US Department of Transportation na makakabaik na sa normal ang operasyon ng lahat ng 40 na pangunahing paliparan sa US.
Magugunitang marming mga federal workers sa US ang hindi pumasok sa trabaho dahil sa hindi sila mababayaran bunsod ng government shutdown.
















