-- Advertisements --

Inatasan na ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang PNP Internal Affairs Service (IAS) na madaliin ang dismissal proceedings laban sa naarestong non-uniformed personnel (NUP) na miyembro ng Abu Sayyaf group (ASG).

ASG PNP

Ang NUP na si Masckur Adoh Patarasa na nakatalaga sa Banguingui Municipal Police Station sa Sulu ay naaresto noong Biyernes sa bisa ng arrest warrant para sa pitong kaso ng kidnapping and serious illegal detention.

Kabilang din si Patarasa sa mga ipinaaaresto sa ilalim ng Martial Law Arrest Order No. 1 sa kasagsagan ng Marawi siege noong 2017 dahil sa kanyang papel bilang umano’y finance at logistics officer ng ASG.

Ayon sa PNP chief gumugulong na ang malalimang imbestigasyon upang malaman kung may iba pang tauhan ng PNP ang may kaugnayan o miyembro rin ng Abu Sayyaf.

Sinabi ni Eleazar na hindi malayo na may mga iba pang kasabwat ang suspek at ito ang tinututukan ngayon ng PNP.

Ayon pa kay Eleazar, aalamin diin kung paano nakapasok sa PNP si Patarasa gayung isang katutak na kaso ang kinakaharap nito.