Ipinahayag ni Senator Erwin Tulfo na isusulong ng minority bloc ang mas mahigpit na pagtatanong sa naganap na putukun sa loob ng mataas na kapulungan, hindi lamang tungkol sa pangyayari mismo kundi pati sa umano’y kakulangan sa transparency at ng mga institusyon.
Ayon kay Tulfo, kailangang maimbestigahan nang maayos ang insidente upang luminaw kung ano talaga ang nangyari lalo pa’t may magkakaiba umanong bersyon ang pangyayari mula sa iba’t-ibang panig.
Dagdag pa niya, sinasabi umano ng mayora na hindi ito stage o palabas, ang mayroon naman nagsasabi na planado ito at maging ang National Bureau of Investigation (NBI) aniya ay nagsasabi na hindi sila lumusob kung kaya’t kailangan umanong maipaliwanag ito dahil hinihintay ng publiko ang katotohanan.
Isa rin sa kaniyang itatanong ang umano’y pagtanggi ng Senado na tanggapin ang suspensyon kay Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca at ang subpoena para sa CCTV footage ng insidente mula sa Office of the Ombudsman. Aniya, nakakahiya kung may subpoena at imbestigasyon at hindi nakikipag-kooperasyon ang Senado, dapat aniyang sumunod sa batas.
Giit pa niya, dapat ibigay ang CCTV footage upang tuluyang umusad ang imbestigasyon.
“Ang CCTV dapat i-turn over. Kung nasa pulis na, dapat ipaliwanag sa Ombudsman. Huwag nating pigilan ang imbestigasyon,” ani Tulfo.
Kinuwestyon din ng senador ang umano’y warning shot na umabot ng 27 putok, at bakit aniya ang mga ebidensya ay puro nasa panig ng Senado at walang galing sa kabilang panig.
Binanggit din ni Tulfo na dapat pinayagan ang media na makapag-cover sa insidente upang mas malinaw ang pangyayari.
Sa huli nandigan ang senador marami pang tanong ang kailangang sagutin at dapat magpatuloy ang parallel investigation ng Department of Interior and Local Government at iba pang ahensya.
















