-- Advertisements --

Walang pagkakaiba ang sitwasyon sa kasalukuyan sa mga ospital kumpara sa naranasan noong Marso at Abril, 2021 nang inilagay ulit ang Metro Manila sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ), ayon kay Philippine Hospital Association President Jaime Almora.

Subalit, sa kasalukuyan, mas maraming pasyente aniya ang tumutungo sa mga ospital dahil naman sa mga non-COVID problems katulad na lamang ng dengue at influenza.

Sa kabila nito, patuloy pa rin aniyang naghahanda ang mga ospital para rin sa pagdami ng mga COVID-19 patients.

Maraming mga ospital ang nag-install na ng kanilang oxygen-generating machines kahit pa maayos pa naman ang supply ng oxygen sa bansa ngayon.

Pero inamin ni Almora na problema pa rin nila ang manpower hanggang sa ngayon sa mga ospital, kaya nga ang diskarte ng iba ay kumukuha na lang din ng maraming mga nursing aides na siyang bahala sa leg work ng mga nurses.

Kahapon, base sa report ng DOH, lampas sa 79,000 ang bilang ng mga active cases ng COVID-19, pinakamataas mula noong Abril.