-- Advertisements --

Nilinaw ng Malakanyang na magsisilbing adviser lamang si Baguio City Mayor Benjamin Magalong ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) at hindi siya miyembro ng Komisyon.

Ito ang binigyang linaw ni Palace Press Officer USec. Claire Castro, lalo at sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na walang pulitiko ang magiging bahagi sa binuong Independent Commission.

Sinabi ni Castro na ang skills at expertise ni Mayor Magalong na dating PNP CIDG director ang isa sa kinunsidera para kunin siyang special adviser. 

Ayon sa Palace Official malaki ang maitutulong ni Magalong kung ano ang kaniyang nalalaman at makukuhang impormasyon.

Ang makukuha niyang mga impormasyon at datos ay maari niyang ibahagi sa Komisyon.   

Hiling ng Palasyo na bigyan ng pagkakataon si Magalong at ang pagkakataong ay ipakita sa taumbayan para mapagsilbihan kung anong interes ng publiko.

Habang ang dalawang miyembro ng Komisyon na sina dating DPWH Sec. Rogelio Singson at SVG Country Managing Partner Rossana Fajardo ay hindi namumulitika dahilan pinili sila ng Pangulong Marcos.

Sa tanong kung bakit hindi mga law enforcement officers kinuha para magsagawa ng imbestigasyon hindi naman naging malinaw ang sagot ng Palasyo.