Irerekemenda ng PNP Joint Task Force Covid Shield ang “No quarantine pass, no mall entry” policy para matiyak na maipatupad ang physical distancing rules sa mga malls sa Metro Manila na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine.
Ayon kay JTF Covid Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar mahalaga na striktong ipinatutupad ang health protocols.
Pinulong na ng PNP ang nasa 90 security mall managers at iginiit sa kanila ang kahalagahan sa pagpapatupad ng social distancing at pagsuot ng face mask ng sa gayon mapigilan ang paglaganap ng coronavirus disease 2019 sa mga malls.
Para makontrol ang tao ikinokonsidera ng PNP ang rule sa quarantine pass at identification cards na siya lamang papayagan na makapasok sa mga malls na nasa MECQ areas lalo na dito sa Metro Manila.
Nais kasi ni Eleazar na hindi magiging ground zero ang mga malls ng panibagong wave ng coronavirus infection.
Magpapatuloy naman ang PNP Highway Patrol Group (HPG) sa pag establish ng mga mobile checkpoints at random checking ng mga sasakyan sa mga major thoroughfares sa Kalakhang Maynila.
Ayon kay HPG Director BGen. Eliseo Cruz ilan sa mga HPG control points sa EDSA ay inilipat sa mga major roads dito sa NCR subalit mahigpit pa rin nila mino monitor ang traffic sa EDSA.