-- Advertisements --

Nahigitan na ni NLEX Warriors player Calvin Oftana ang three-point shot record ni PBA legend Allan Caidic.

Kahit na natalo ang NLEX sa Meralco Bolts nitong Miyerkules 104-101 ay nagtala naman ng record si Oftana.

Sa natitirang 29 minuto na laro ay nakapagtala ito ng walong 3-point shots.

Noong June 16, 1987 kasi ay naitala ni Caidic ang pitong 3-points para sa Great Taste ng Game 2 Open conference Finals kung saan natalo sila sa Tanduay sa overtime 135-134.