Kevin Alas and Dagdag
-- Advertisements --

Natuloy na rin ang church wedding ni NLEX Road Warriors player Kevin Alas at PBA courtside reporter Selina Dagdag.

Sa social media ng dalawa ay makikita ang dalawa na pinapaligiran ng kanilang mga bisita.

Ilan sa ito ay ang mga kasamahan sa team ni Alas na si Asi Taulava at NLEX coach Yeng Guiao.

Noong Setyembre 2020 nang ikasal ang dalawa sa pamamagitan ng civil wedding at doon din kanilang inanunsiyo ang pagkakaroon ng pormal na church wedding.

Nagkakilala ang dalawa noong 2017 at noong July 2019 ay engaged na.

-- Advertisement --