Natikman ng TNT Tropang Giga ang unang pagkatalo sa kamay ng NLEX Road Warriors 109-98 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup na ginaganap sa Angeles City, Pampanga.

Bumida sa panalo ng NLEX si Kevin Alas na nagtala ng 24 points habang mayroong 19 points si Jericho Cruz at 16 points naman ang kontribusyon ni Kiefer Ravena.

Tinawagan pa ng unsportmanlike foul si JR Quinahan ng makagirian niya si Bobby Ray Parks.

Naging mainit pa ang laro sa third quarter sa natitirang 4:54 ng patawan ng flagrant foul si Wil Mcaloney ng NLEX habang technical fouls ang ipinataw kay NLEX head coach Yeng Guiao dahil sa sagutan nila ni Jay Washington ng TNT.

Mayroon ng dalawang panalo at limang talo ang NLEX habang mayroong limang panalo at isang talo naman na ang TNT.