NLEX ROAD WARRIORS 1
NLEX/ PBA IMAGE

Wala pang talo ang NLEX Road Warriors sa tatlong laro mula ng magsimula ang PBA Governors’ Cup.

Ito ay matapos talunin nila ang Blackwater 115-109.

Nanguna sa panalo ng NLEX si Olu Ashaolu na nagtala ng 31 points, 10 rebounds habang mayroong 25 points si Kiefer Ravena.

Itinuturing ni NLEX coach Yeng Guiao na labanan ng three-points kung saan mayroong kabuuang 18 three points ang nagawa nila habang 19 naman ang kabuuang 3-points ng Blackwater.

Nasayang naman ang nagawang 28 points ni Ray Parks at ang career-high points na 24 ni Paul Desiderio.