Arestado ang Nigerian actress na si Fune Akindele-Bello dahil sa pagdiriwang ng kaarawan na dinaluhan ng maraming bisista habang ipinapatupad ang lockdown sa kanilang bansa.

Nauna rito nanguna ang actress na nanawagan sa kanilang mamamayan na manatili sa bahay para hindi na kumalat pa ang coronavirus.

Subalit ikinagalit ng mga fans nito ng magpost sa kaniyang social media ang asawa nito na nagkaroon ng birthday party kung saan makikita ang maraming bisita.

Dahil dito ay inaresto ang actress matapos ang paglabag sa ipinapatupad na Lagos State Infectious Disease 2020 regulation sa ilalim ng Public Health Law.