Kasalukuyang nagsasagawa na ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng assessment sa lawak ng pinsala sa Southeastern Mindanao, malapit sa episentro ng tumamang malakas na magnitufe 7.4 na lindol kaninang alas-9:43 ng umaga, ngayong Biyernes, Oktubre 10.
Bagamat nananatiling stable aniya ang mga serbisyo ng power transmission sa Northern Mindanao.
Sa ngayon,wala pang napaulat na mga kaso ng power interruptions at pinsala sa transmission facilities sa mga lugar na tinamaan ng lindol.
Bagamat base sa inisyal na ulat, may mga transmission line na hindi available kabilang ang Davao-Toril 69kV line, Nabunturan-Asuncion 69kV line, at Nabunturan-Masara 138kV line.
Siniserbisyuhaan ng 69kV lines ang parte ng Davao City, Davao del Norte, at Davao de Oro.
Una rito, inisyal na iniulat ng Phivolcs na magnitude 7.6 na lindol ang tumama sa Davao Oriental subalit ibinaba ito kalaunan matapos ang isinagawang assessment. Ayon sa ahensiya, may lalim na anim na milya ang lindol bunsod ng paggalaw ng isang fault.