-- Advertisements --

Nakatakdang bumalik na sa kanilang record label na Ador ang lahat ng limang miyembro ng K-pop group na New Jeans.

Inanunsiyo ng miyembro ng grupo na sina Hanni, Danielle at Minji ang pagbabalik.

Sa una kasi ay dalawang miyembro lamang nila na sin Hyein at Haerin ang nagpahayag ng pagbabalik sa kanilang record label.

Magugunitang ibinasura ng korte ang kasong isinampa ng NewJeans dahil sa hindi tamang pagtrato kung saan nakita ng korte na hindi sila maaaring umalis dahil sa may kontrata ang mga ito ng hanggang 2029.