Minaliit ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang pahayag ng Hamas na handa silang tumugon sa kasunduan para matigil na ang giyera.
Ayon kay Netanyahu na wala ng bago sa nasabing pahayag at muling pinapaikot ng Hamas ang kanilang ulo.
Nanindigan si Netanyahu sa kaniyang mga kondisyon gaya ng pagpapalaya sa 48 na bihag kung saan 20 sa mga dito ay buhay pa.
Kasama rin sa kondisyon ang pagdisarma sa mga Hamas ganun din ang pagsasailalim sa demilitarization ang Gaza.
Mahalaga din na magkaroon ng security control ang Israel at alternative civilian administration ang dapat buuin.
Habang ang kondisyon naman ng Hamas ay ang panawagan ng kapalit ng mga bihag na hawak nila ang pagpapalaya sa mga Palestinong nakakulong sa Israel, pagtanggal ng mga sundalo ng Israel sa Gaza, pagbubukas ng border crossings at muling pagsasaayos ng Gaza.