-- Advertisements --

Nagpaabot ng pakikiramay si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa 20 katao kabilang ang limang mamamahayag na nasawi ng tamaan nila ang Nasser Hospital sa Gza.

Sinabi ng Israel lider na kaniyang pinapahalagahan ang trabaho ng mga journalists, medical staff at sibilyan.

Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang kaniyang kasundaluhan ukol sa nangyaring insidente.

Mula kasi ng magsimula ang labanan noong Oktubre 2023 ay mayroong mahigit 200 na mga mamamahayag na ang nasawi kung saan karamihan sa mga dito ay tinarget ng mga Hamas at Israel.

Magugunitang kinondina ng maraming grupo at bansa ang nangyaring airstrike ng Israel na tumama sa pagamutan.